Balita

Duterte orders suspension of new law on bigger motorcycle license plate

By: - 04/07/2019

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang nakatakdang pagpapatupad ng bagong batas na Republic Act Number 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act kung saan inaatasan ang mga nagmomotorsiklo na lagyan ng mas malaking plaka ang kanilang sasakyan hindi lamang sa harapan kundi pati na rin sa likod.

Sa kanyang talumpati sa Iloilo, idinagdag ni Duterte na nakatakda niyang kausapin si Sen. Richard Gordon, na siyang may-akda ng bagong batas, kaugnay ng isyu.

“I will talk to just one, Senator Gordon. Tapos… Sabihin ko sa kanya na, ‘Alam mo, ibang countries, as a matter of fact, all countries, walang plate number sa — all motor vehicles walang plate number sa harap. Diyan lang ‘yan sa likod,” sabi ni Duterte.

Pinirmahan ni Duterte ang RA 11235 noong Marso 8, 2019 at hinihintay na lamang sana ang Implementing Rules and Regulation (IRR) para ganap na itong maipatupad.

“I-suspend ko lang muna… Kasi it is not good. It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto. May kanto ‘yang plate number eh. It could be a plastic or it could be a — an aluminum but still with an impact na ganon, tutusok ‘yan sa helmet mo. Delikado eh. Anything that is sharp there, hindi maganda,” ayon pa kay Duterte.

Nauna nang nagprotesta ang tinatayang 10,000 nagmomotorsiklo para tutulan ang implementasyon nito.

“As a compromise, ganito. Lakihan na lang ninyo ang plate number sa likod by one fourth. One fourth lang, dagdagan mo lang ng ganon. Lakihan mo lang para makita talaga ‘yung number. Just to remove the objection sa ano,” ayon pa kay Duterte.

Idinagdag ni Duterte na masyado ring malaki ang P50,000 multa para sa mga lalabag.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

Makati (chicken) Wings: Winging it good

Text: Viel Sia Photos: Pau Geluz ARE you looking for something new that would excite...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...