outbrain
Balitang Commute

Sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan

By: - 04/13/2019

Photo from Pasig Bike Share Facebook page

ARAW-araw na lang ay problema ang trapik sa Metro Manila.

Kung noong unang panahon ay big news ang malalang trapik, ngayon ang istorya (at himala na rin) ay kung walang maire-report na heavy traffic.

Kahit saan ka magpunta, at kahit gaano kaaga ka pa umalis ng bahay, ay tiyak na mahabang pila at kumpulan ng mga sasakyan ang sasalubong sa iyo.

Isama mo pa riyan ang nakasusulasok na amoy mula sa mga maruruming tambutso na nagbubuga ng nagkakapalan at nag-iitimang usok na delikado sa kalusugan.

Wala ka nang malanghap na sariwang hangin sa umaga, stressed ka pa dahil ubos ang oras dahil sa dami ng sasakyan na nagsisiksikan sa makikipot na kalsada.

Pero nakaisip ng maginhawang solusyon ang lungsod ng Pasig para maibsan ang problemang ito sa pamamagitan ng “Pasig City Bike Share System.”

Mahigit isang taon na mula nang sinimulan ng City Environment & Natural Resources Office at ng City Transport Development & Management Office ang programang ito na layuning hikayatin ang mga residente at mga empleyado sa Pasig, lalo na ang mga nasa Ortigas Central Business District, na magbisikleta para sa isang eco-friendly at healthy transportation alternative.

Sa kasalukuyan ay may seven active stations ang Pasig Bike Share kung saan maaaring humiram sa isang station at ibabalik sa kahit anong station sa loob ng isang oras.

Ang mga stations na ito ay Robinson’s Galleria, Shell, Padilla Building, Pearl Drive, Development Bank of the Philippines, Department of Education at Brgy. San Antonio habang tatlong station pa ang soon to open.

Para sa mas mabilis at mas maayos na paghiram ng bike, sinimulan na rin nila ang pamamahagi ng libreng Pasig Bike Share Access Cards para sa mga nakatira at nagtatarabaho sa lungsod. First 100 applicants pa lang ang nabigyan ng access cards dahil 100 pa lang din sa ngayon ang bilang ng mga bike na availbale for rent.

Sa susunod na pagbibigay ng access cards ay bubuksan na rin ito para sa mga non-Pasig residents.

Patuloy naman ang ginagawang improvement ng Pasig Bike Share para mas dumami ang tumangkilik sa kanilang proyekto na malaki ang maiaambag sa pagbawas sa nakayayamot na trapik sa lugar at paglaban sa polusyon.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...