Balitang Commute

BLOWBAGETS para sa ligtas at maaliwalas na biyahe

By: - 04/13/2019

TUWING holiday season gaya ng Pasko, Undas, Semana Santa ay bidang-bida ang paalala ng mga otoridad na laging tandaan ang BLOWBAGETS na ang ibig sabihin ay battery, lights, oil, water, brakes, air, gas, engine, tools, at self.

Ito ang “travel safety starter pack” para sa safe at comfortable ride lalo ngayong panahon ng Kuwaresma kung kailan marami sa mga Pinoy ang uuwi sa probinsya, magtatampisaw sa beach o di kaya’y magninilay-nilay sa mga simbahan sa lalawigan.

Long drivesang mga ito kaya naman dapat lang na isaalang-alang ang maraming bagay bago umalis ng bahay.

Pero hindi lang pala ito ang mga dapat isipin dahil isinama na rin sa listahan ang doors, gadgets (sensors dashcam, tailcam) at passengers.

“Bago natin gamitin ang sasakyan first thing in the morning check natin blowbagets para somehow alam natin eveything is in good to go condition,” sabi ni Capt. Joebert Tolentino, isang safety expert mula sa Disaster and Emergency Responders International (DERIN).

Brakes

Siguruhing makapal pa ang brake pads ng sasakyan para mas makapit ang pagpreno at hindi dudulas.

Lights

Maraming kalsada ang madidilim kaya dapat na hindi pundido ang ilaw, lalo na ang headlight, para makita ang makakasalubong na sasakyan gayundin ang signal light para naman malaman ng nasa likuran kung kakabig ka sa kanan o kaliwa.

Oil

Mas swabe ang takbo ng sasakyan kung well-lubricated ito kaya mas mabuti nang i-change oil muna ito kung malayo ang pupuntahan.

Water

Laging tingnan ang water level ng sasakyan para maiwasan ang overheating.

Battery

Importanteng kargado ang baterya dahil dito nangggaling ang power supply ng sasakyan para gumana ang ilang parte tulad ng ilaw at busina.

Air

Kung kulang ang hangin sa gulong, hindi makakagulong nang maayos at babagal ang takbo. Kung sobra naman ang hangin ay maaaring sumabog ang gulong. Sakto lang dapat ang hangin sa required na PSI o pressure per square inch ng bawat gulong.

Gas

Siguraduhing full tank ang sasakyan para iwas tirik sa kalsada lalo na kung ang inyong destination ay super layo na sa kabihasnan.

Engine

Mahalagang busisiing maigi ang makina para malaman kung may mga putol o leaky wires na connected sa ibang car parts gaya ng aircon na talaga namang kailangan sa mainit na panahon.

Tires/tools

Huwag umalis na kalbo na ang gulong. Magpalit ng bago dahil mas kakayanin nito ang mahabang biyahe. Kung makapal ang goma ay maiiwasan ang pagka-flat ng gulong lalo na kung mabigat ang karga ng sasakyan. Importante rin na bitbit ang mga basic tools gaya ng wrenches set, jack, screwdrivers, pliers, multimeter, at ratchet and socket set na magagamit for first line repairs kung masiraan sa kalsada.

Self

Kung ikaw ang driver, isipin ang kapakanan ng lahat. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog bago bumiyahe. Para may sapat na lakas magmaneho at hindi antukin sa daan.

Doors

Dapat hindi natatanggal at hindi sira ang mga locks para masiguro na hindi malalaglag ang mga pasahero.

Gadgets (sensors dashcam, tailcam)

Hi-tech na ang mga bagong sasakyan ngayon dahil may mga pre-installed na alarm at sensors na ang mga ito na malaking tulong sa mas mabilis na pag-park at malaman kung mababangga. Ang dashcam at tailcam naman ay nagsisilbing pang-monitor sa nangyayari sa kalsada. Mare-record din nito sakaling magkaroon ng aksidente.

Passengers

Hindi lang driver ang dapat na nasa “fit to travel” condition. I-check din ang lagay ng mga pasahero at alamin kung sila ba ay mahiluhin o madalas nasusuka sa malayuang biyahe. Makabubuting magdala ng first aid kit at gamot na makakokontra rito. Dapat rin na maging hydrated sa lahat ng oras.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

Mother of 3 makes it to LET top 10

Maswerte ang number 10 para sa newly-licensed teacher na si Jeanette Wing Un ng Cagayan...

Taho vendor is Nico Bolzico’s real idol, and here’s why

SUPER proud ang Argentine husband ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa isang magtataho...

Customer umayaw sa ‘straw less policy’, nambuhos ng softdrink; fastfood manager hinangaan

Nagawa pa ring maging chill ng isang fastfood store manager sa customer na nambastos sa...

Viral: Bus driver pumapasada kasama ang special child na anak

TWO weeks before ang Father’s Day ay ipinaalala na ng isang “Haligi ng Tahanan” kung...

Mar Roxas’ things to do: Learn, work and love some more

LEARN some more, work some more, love some more. Ito ang mga bagay na nais...

A director’s cut: Coffee plus movies

LIGHTS, camera… but first, coffee. We usually perk up our day with a cup or...

A Nubenta ba ang gusto mo?

Eating too much meat may not be good for your health, but we could not...

Korean BBQ places na hinahanap-hanap ng Pinoy

Samgyupsal craze looks like synonymous to K-Pop and K-drama na talaga namang patuloy na minamahal...

Pages and Lattes: A humble, quaint café

We all know that the hustle and bustle of Manila can be quite stressful for...

Irasshaimase to Onigiriya

Text by Djan Magbanua Photos by Pau Geluz MANILA is a simmering pot of culture....

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...