outbrain
Sports

NBA Playoffs na, kanino ka?

04/15/2019

AP

NAGBUKAS na kahapon ang 2019 NBA Playoffs matapos ang isa na namang season na puno ng drama, blockbuster trades at pagtatala ng kasaysayan.

Maraming twist of events muna ang nangyari tulad na lang ng engrandeng paglipat ni Lebron James sa Los Angeles na nauwi sa sixth straight playoffs disappearance ng Lakers at ng pagkaputol ng 13-year playoffs streak ni James.

Ang istorya na ngayon ay ang panibagong yugtong haharapin ng natitirang16 na koponan na hangad maisuot ang NBA ring.

 

WESTERN CONFERENCE

#1 GOLDEN STATE WARRIORS (57-25) VS. #8 LOS ANGELES CLIPPERS (48-34)

Prediction: Warriors, 4-0

Matapos na biguin ng Los Angeles ang Golden State sa overtime sa unang pagtatagpo sa regular season, hindi na pinaporma pa ng back-to-back champions ang Clippers sa kanilang sumunod na tatlong laro. Nagharap na ang GSW at LA noong 2014 first round playoffs kung saan nanaig ang Clippers, 4-3. Tatangkain ng veteran big three nina Stephen Curry, Kevin Durant at nagbabalik na si DeMarcus Cousins na masungkit ang Grand Slam laban sa young at energetic na Clippers.

#2 DENVER NUGGETS (54-28)
vs #7 SAN ANTONIO SPURS (48-34)

Prediction: Spurs, 4-3

Ito ang unang season na pumasok ang San Antonio sa playoffs matapos ang great era nina Manu Ginobili, Tim Duncan at Tony Parker. Kaya’t mabigat ang nakaatang sa balikat ni DeMar Derozan para pangunahan at ipagpatuloy ang legacy ng Spurs na holder ng longest NBA playoff streak (22). Ang Nuggets naman, umaasang si Serbian cornerstone Nikola Jokic na ang magdadala sa kanila sa unang NBA crown. Nauwi sa 2-2 ang bakbakan ng Denver at San Antonio sa regular season habang hawak ng Spurs ang 4-1 lead sa all-time playoff series.

#3 PORTLAND TRAIL BLAZERS (53-29) vs #6 OKLAHOMA CITY THUNDER (49-33)

Prediction: Thunder, 4-3

Winalis ng OKC ang Portland sa kanilang apat na laro bago ang playoffs sa pangunguna ni Russell Westbrook na nagtala ng historic 20-20-20 feat. Apat na beses nang nagtagpo ang Blazers at Thunder (noong Seattle SuperSonics pa ito). Ito ay noong 1980, 1983, 1991 first round at 1978 Western semifinals. Tabla sa 2-2 ang playoffs head-to-head matchup nila. Kakapitan ng Portland ang gumagandang lagay ni CJ McCollum para sa isang epikong digmaan kontra OKC.

#4 HOUSTON ROCKETS (53-29) vs
#5 UTAH JAZZ (50-32)

Prediction: Rockets, 4-2

Sa kabila ng mga hindi inaasahang injuries sa mga kakampi, kinayang buhatin ni MVP candidate James Harden ang Houston. Nagtala si Harden ng mga nakaluluang numero kabilang na ang 30-point streak sa loob ng 32 games. Sinasabi namang dark horse ang Utah dahil sa consistent na paglalaro ni Donovan Mitchell at quality minutes nina kina Rudy Gobert at Joe Ingles. Tinalo ng Jazz ang Rockets sa kanilang unang dalawang laro sa regular season bago bumawi ang Houston sa last two games. Historic ang pagtatagpo ng dalawang ito sa Western Conference Finals. Dinaig ng Rockets ang Jazz noong 1994 at nakaganti ang Utah noong 1997.

 

EASTERN CONFERENCE

#1 MILWAUKEE BUCKS (60-22)
vs #8 DETROIT PISTONS (41-41)

Prediction: Bucks, 4-0

Walang duda na mamayagpag si Giannis Antetokounmpo sa MVP race nang tulungan ang Milwaukee tungo sa league-best record at franchise-best record since 1981. Winalis ng “Greek Freak” at ng Bucks ang Pistons sa regular season ngunit kabaligtaran ito sa ginawa ng Detroit sa Milwaukee noong 1976, 2004, 2008 first round playoffs at 1989 Eastern Conference semis. Magsisilbing pagsubok para sa Bucks sina Pistons stars Blake Griffin at Andre Drummond.

#2 TORONTO RAPTORS (58-24) vs
#7 ORLANDO MAGIC (42-40)

Prediction: Raptors, 4-1

Maraming nag-aabang kung si Kawhi Leonard na ba ang susi sa inaasam ng Toronto na NBA title matapos alatin sa Cleveland nang dalawang sunod na season. Ngunit panibagong tinik ang Orlando na uhaw rin sa kampeonato. Sasandalan ng Magic sina Nikola Vucecic, Aaron Gordon at Evan Fournier. May 2-2 record laban sa isa’t isa ang Raptors at Magic sa regular season habang ito na ang kanilang ikalawang pagkikita sa playoffs kasunod nang 2008 first round wars kung saan nagwagi ang Orlando, 4-1.

#3 PHILADELPHIA 76ERS (51-31)
vs #6 BROOKLYN NETS (42-40)

Prediction: Sixers, 4-2

Tabla rin sa 2-2 ang regular season collision ng Philadelphia at Brooklyn at pantay rin ang unang dalawa nitong playoff series. Nanalo ang Sixers noong 1970 first round subalit bumawi ang Nets noong 1984 first round. Sasandalan ng Sixers ang higanteng nilalaro ni Joel Embiid habang huhugot ng momentum ang Nets kina D’Angelo Russell at Spencer Dinwiddie.

#4 BOSTON CELTICS (49-33)
vs #5 INDIANA PACERS (48-34)

Prediction: Celtics, 4-1

Matapos ang manipis na 102-101 win ng Pacers sa kanilang unang laro sa regular season, gumanti ang Celtics sa sumunod na tatlong laban. Naramdaman ng Indiana ang pagkawala ni Victor Oladipo dahil sa injury sa kalagitnaan ng season habang nanumbalik ang lakas ni Gordon Hayward para asistehan si Kyrie Irving sa Boston. Limang beses nang nagharap sa round 1 ng playoffs ang dalawa. Kinuha ng Celtics ang panalo noong 1991, 1992 at 2003 habang Pacers naman noong 2004
at 2005.

Advertisement

What You Missed

ULTIMATE GUIDE

WATCH: ‘Bawal Lumabas’ ni Kim in na in, iba’t ibang cover nakaka-LSS

“SA classroom may  batas, bawal lumabas…” Wait, wala ka na bang ibang marinig kundi ang...

Japanese antiviral drug ‘Avigan’ susubukan sa 100 Pinoy COVID-19 patients

SUSUBUKAN ng Department of Health kung tatalab ang antiviral medication na Avigan sa 100 pasyente...

‘Dream now, travel later’: Baguio luminis, sumigla

LUMINIS, sumigla at tumahimik ang Baguio City. Matapos na mawala ang mga turista sa siyudad...

You can survive the ‘new normal’ environment

MALAKING tulong sa atin ang ‘Guidelines on workplace prevention and control of COVID-19’ na inisyu...

100 litro alcohol gawa ng UP napakinabangan na

Gumagawa ng alkohol ang University of the Philippines para mabawasan ang kakapusan ng suplay sa...

Table for one? Social distancing hindi problema sa restaurant na ito

HINDI mo proproblemahin ang social distancing sa restaurant na ito sa Sweden dahil iisa lang...

Mas maraming produkto ng local farmers bibilhin ng San Miguel Corp. habang lockdown

NALULUGI ang karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas dahil hindi nila naibebenta nang maayos ang...

TRY MO ‘TO: Viral food recipes mula sa sobrang sarap hanggang sa sobrang tipid

ISA sa problema ng ating mga nanay ang paulit-ulit na luto ng ulam o meryenda....

Artist recreates well-loved food into cute clay miniatures

From being a food lover to a polymer clay artist. Pagkain ang inspiration ni Scher...

Kakasa ka ba? Milk tea shop in Malaysia offers 5-liter milk tea challenge

HERE in the Philippines we take our milk tea seriously. From international brands to local...

OPM Hitmen reunite for a charity concert

MAGSASAMA ang tinaguriang OPM Hitmen na sina Rannie Raymundo, Richard Reynoso, Renz Verano at Chad...

Goodbye, iTunes

Inanunsyo ng Apple nitong Lunes na mawawala na ang iTunes para palitan ng tatlong tailored...

Libre Unbox Ep1: GV Symphony 3 PRO

Start the year right and party like it’s 2018 mga ka-Libre with this ultra cool,...

Handa ka na bang bumalik sa trabaho?

MAYO 16 magsisimula na ang ilang pagbabago sa lugar sa bansa dahil sa paglipat ng...

More senior citizens, PWDs find work opportunities

MORE and more senior citizens and persons with disabilities (PWDs) are finding equal work in...